Newbie Chronicles Number 4: Enrollment
Hoookay, first time ni M sa school this year so ergo: Enrollment. Boom. Ignorante ako sa parteng ito dahil kahit ako pa ang nag-eenroll sa sarili ko noong kolehiyo, wala naman akong kamalay-malay sa pera (cheke) na hawak ko. Number one, wala akong sariling checking account. At iisa lang ang credit card ko't di pako principal cardholder. In short, i believe in cash and i sure do wish it believes in me. hehe. So may dala akong moolah sa bag that day. Sinabi sa 'kin na mag prepare daw ako ng this ____ amount of money for the tuition. So, hala withdraw!
Aba naman pagdating ko sa accounting, kulang pa ata ng sampunglibo ang nai-prepare ko! Iba pala ang tuition sa iba't ibang fees. Hindi ko rin alam na on the day ka na rin pala bibili ng mga libro, folder, PE Uniform at lahat na ng kakailanganin. Awa ng Diyos, nagawan naman ng paraan mabayaran lahat in cash. Namumugto nga lang ang aking nagpipira-pirasong wallet. Nahigop siya ng walang kamalay-malay. At may kulang pa 'ko na hindi nabili--- PE rubber shoes worth 600pesos. Wala na akong 600 pesos. As in.
Gusto ko ang idea ng uniformity and simplicity lalo na sa mga bata, para walang inggitan, walang feeling left out dahil hindi naka-Barbie ang isa. Komunista ba muna? Sa kolehiyo dun na kayo umarya ng mga individuality ninyo dahil may mga sarili na kayong mga utak at na molde na kayo. Though nag uniform pa rin ako up until college so ok lang.
Side chika ha, napansin ko lang ngayon sa mga kolehiyala-- ang iba naka LV na, naka-Miu Miu! Hindi ko maalala na uso ang luxury bags noong college. Hindi naman mahirap na school ang UST pero hindi ako aware kung naging uso ito noon. Sa tingin ko ang pinaka mahal na nakikita ko noon (noon ha) ay Benetton na. Pero ngayon ay grabe ang pasiklaban ng yaman at talagang binabalandra! Di naman masama pero materialistic ang dating sa 'kin. Malamang galing naman iyon sa mga magulang nila or whatever. Pero para sa 'kin, mas gusto ko ang pasiklaban ng idealismo! haha! Yung lahat ng tao napaka-busy sa dami ng gusto gawin sa buhay nila sa kolehiyo at sa sarili... alam mo yun, that on top of the world feeling.
Actually, yun ang na-obserbahan kong vibe noong college lalo na't nasa AB pa 'ko. Parang lahat busy, lahat madaming gusto patunayan. Pwede naman siguro ma-achieve yun na naka-designer bag pero pwe! Ang designer bag para sa 'kin ay para sa mga babaeng nagpursigi na sa trabaho't buhay, wala nang keme, mala- woman of the new world ika nga. hahaha. opinyon ko lang ito ha.
Kaya nga ito, may mga agam agam ako sa pagpasok ni M sa traditional na eskwelahan. Baka biglang mag inarte, mag demand ng mga school party at kung ano-anong ek ek. Sana ma -instill sa bata ang strong sense of self, para hindi siya madaling ma-impluwensiyahan. Hindi madaling ma-sway sa kung anong uso at madaling dapuan ng inggit. Yung steady lang siya sa sarili niya na ang baon lang niya ay Presto Creams at hindi Oreo o Chips Ahoy. Kasi wala namang masama sa Presto creams di ba?
Sana walang mambully sa kanya pero minsan... iniisip ko gusto ko ring malaman na may nang bubully sa kanya kasi gusto ko makita kung paano niya iha-handle iyon. Iiyak ba siya, dedma o mambubully back din? I really am curious about all the jungle in pre school. We'll see. We'll see. Another thing to consider are these PTA meetings. A friend of mine warned me about it---- the parents are also in competition. haha. Natatawa ako sa idea na ito! Parang gusto ko mag observe at makitang mag-unfold ang mga winarning nila sa 'kin. I guess, i'm gonna observe and write about them too.

Comments
Post a Comment