Yellow Flower Girl

Hindi debut ang unang ina-anticipate ng isang nanay na kagaya ko na may anak na babae. Ang unang stress moment sa tingin ko ay ang pagiging first time flower girl.

Then debut (the baby is now a lady moment).
Then the first mini-skirt party-party outfit (kaba-kabahan school of moodrah).
Then the first bikini (slight proud with cardiac arrest moment).
Then the first wedding dress (sniff-sniff, yes i am old na).

But siyempre bata pa si jugets at di pa keri magbilang hanggang 100 kaya dun muna tayo sa first time flower girl moments. Later na yung ibang sakit ng ulo.

So may gown na si M. Kulay dilaw dahil iyon ang motif ng aking kapatid na ikakasal. Dilaw na hindi hepa o jaundice ang dating pero parang royal yellow. Sabi ng lola niya bilhan daw siya ng yellow matching clips sa buhok at stockings na puti. Ok nako dun sa stockings na puti pero yung yellow clip? Kaloka. Ngayon lang ako napagod sa pagsho-shopping ng mga yellow cutesy stuff kasi WALANG YELLOW CUTESY STUFF!!  Well, meron naman pero hindi bongga. Yung pagtya-tyagaan mo lang kasi wala ka nang ibang choice. At hindi pa sila royal yellow! Ayoko namang mag-angry birds hair clip si M sa isang garden wedding. Bakit ang pink napaka-daming choices lalo na sa girl's accesories section? Nauumay nako sa kulay pink. Pink na lang ba talaga palagi ang bida?! Medyo true. Sa dahilang mas sikat si Pink 5 kesa kay Yellow 4. By the way, ako palagi ang Yellow 4 noong kabataan ko.

 So heto ang nai-scour kong yellow hair stuff for kids. 


Medyo hindi pako happy sa mga nabili ko kasi parang i know there is something better et voila! Meron nga!
Nakakita ako ng mga yellow craft flowers at nagpagawa na lang ako ng wreath. Pagkatapos kong bumili ng mga clips... ang bagsak ko sa wreath lang pala.

Mas apt naman ito for a flower girl. Ayan excited nako. Thank heavens for little girls in wreaths.

***
Naalala ko tuloy nung nag flower girl din ako. Gandang ganda talaga ako sa sarili ko. Wala akong konsepto ng pangit sa katawan o kahit sa mundo. Kulay mint green ang motif noon ng kasal ng tito ko. Empire cut ang gown na may mint green flowers with butterflies. Gown at garden in one kaya siguro feeling little Mother earth ako noon na oozing with prettiness. Ganun ata talaga pag batang babae lalo na pag first time mong mag-flower girl. I'm sure yun ang aura ni M once na makita niya na talaga ng sarili niya as a flower girl. Fresh, light, cute and postive ang peg. Makes me want to bottle that moment in perfume form and name it what else? --Flower Girl.

 

Comments

  1. ang exciting naman ng moment na to… si isla kaya kailan?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts