Patulan ang Isyu
Sa ganang akin lang bilang andaming galit sa facebook at twitter kay Mr. Corona. Bukod pa dun ay yung Lady Gaga concert. Tapos yung transgender na gustong sumali sa Ms. Universe aaaat eto pa na medyo napanis na-- ang sapakan sa NAIA Tulfo Vs. Clau-Clau/Raymart. Andaming kaganapan! Andaming kuro-kuro! Buti na lang may blog ako!
Unang una ay yung TRANSGENDER SA MS. UNIVERSE. Para sa akin simple lang. Ang Ms. Universe ay para sa natural na babae lamang. Essence of a woman ang labanan dito na ikinapanalo ni Sushmita Sen. Natural na woman na pinanganak na may puke at matris. Walang masama sa pagiging transgender pero sige na naman... ibigay niyo na sa aming mga bilat ito.
Sumunod ang sapakan sa NAIA. Nakakaloka. Ako may trauma ako sa mga iskandalo kaya never ata akong makakagawa ng ganun unless naka-inom ako. Pinalagpas ko lang ang isyu na yun at pinagtawanan dahil busy ako. hehe. Nagsusulat ako that time at napanood ko lang sa you tube. Claudine really shined through dahil wala siyang awat and apparently, you really can't equate her in terms of propriety and politeness. Mas natakot ako nung nagbanta yung mga kapatid ni Tulfo sa TV. Yun, na move ako. Para kasing totoo. Classic talaga ang mga linya-- mag-tirik na daw ng kandila. Nagsusulat ako ng mga ganito pero iba pag narinig mo ng hindi sa soap opera. Bokot. Siguro kasi Tulfo sila?
OK next.
Eto na nga. Eh yung mga may nag protesta sa concert ni Lady Gaga dahil bad influence daw siya---medyo nakuha ang attention ko nito. At hindi dahil Lady Gaga fan ako. Hindi ko bet si Lady Gaga. Oo sikat siya pero hindi ako apektado o napapasayaw sa kanya. Madonna pa rin ako at Kylie Minogue at syempre Barang. So bakit nakuha ang attensyon ko nito? Dahil sa ka-impokritohan!
Diyos ko!! Napaka-backward ng pag-iisip ng mga tao. Pag nanood ka ba ng conert ay magiging demonyo ka agad-agad?! Mag-aaksaya ng kandila at oras para lang lubayan tayo ng inaakala nilang kampon ng Demonyo? My gad talaga!! Dahil sa lyrics ng Judas? Dahil sa outfit na di mo mawari? Ano ba kayo?! Wala ba kayong ibang magawa sa buhay ninyo? Magtanim na lang kayo ng puno sa bundok baka matuwa pa si God at makatulong kayo ng bongga sa pagpapahaba ng buhay ng tao! Or pumunta na lang kayo sa Senado at Kongreso, sangkatutak ang demonyo doon! Doon kayo mag prayer vigil mga lekat kayo! And for a catholic country like us na milyon milyon ang nagdadasal, bakit hindi tayo nalubayan ng mga magnanakaw at kahirapan? Kasi puro salita, puro hiling dito, hiling doon. Walang gawa! Ayaw ni God sa mga tamad at wish ng wish lang! Hay nako talaga!!
.....
o ayan. kalmado nako. pero sandali may isa pa..
Ang Corona monologue. Hay. I don't know how to begin this rant. Nagsalita na siya. Naglabas ng baho ng pamilya. Umiyak pa. Nag-walk out daw at may kasama pang wheelchair effect. Pero ako simple lang, hate ko talaga ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan. I abhor it, corruption. Ugh, napaka-makasariling konsepto. Kumukulimbat ng perang tinipon para sa pang-ahon ng bayan! Di ba basic rule yung huwag kukuha ng di sa iyo, ng di mo pinaghirapan? Pero bakit? Bakeeet?!! Sumasakit na naman ang ulo ko. Sa totoo lang, aanhin mo ba ang limpak limpak na pera? Yung OA talaga. Hindi mo naman madadala sa hukay yan teh. Hanggang ilang bahay ba dapat meron ka? Or ilang dollar accounts ang sapat para maka-alwan ka sa buhay? If you really look deep into it, money, really has no value, it is just a means of exchange.
.....
Ok stop nako sa mga political issues na ito. I do feel strong about it. Galit ako. Pero di ako nawawalan ng pag-asa. Ayokong huminto sa pagiging galit sa mga nangyayaring di ko gusto sa Pilipinas dahil alam kong may patutunguhan din ang galit na'to. At kung wala, eh di wala. But for now, i am here, and i'm not the type to just say "wala nang mangyayari sa bansang ito". I refuse to be defeated even if i'm wallowing in a muck. Meron at merong mangyayari at di dahil nagpapaka-positive lang ako. There is a light that never goes out ika nga ng The Smiths. So here's to that light. And with that, i strive to be a better Filipino. Naks.

Comments
Post a Comment