Isang gabi sa UST
Kagagaling ko lang sa pinanggalingan ko. Napadalaw, napadaan dahil gusto naming maging nostalgic sa kung saan kami unang nagkakilala ng mga kaibigan ko. Dinala ko ang mga junaks para naman mabisita nila ang school ko. Nauna kami ng ilang oras kaya nakapag-ikot at nag settle kami sa may football field.
Bumalandra ako sa may gitna ng mga damo habang naghahabulan ang mga anak. Napatingin sa napaka-engrandeng facade ng main building at siyempre hindi ko naiwasan ang mapa-isip at makalimot.
Nakalimutan ko panandalian ang mundong ginagalawan ko ngayon-- yung sinasabi nilang 'reality' matapos mong grumaduate. Nakalimutan ko yung mga obligasyon, mga kupal, mga pressure at mga image na kailangan kong i-project sa mundo. Na-isantabi ko sila habang naka-hang loose ako sa football field. At unti-unting pumukaw sa akin ang state of mind and heart ko noong college. Wala masyadong nega noong kolehiyo. Kahit may nega hindi mo sila naiisip dahil para sayo balewala sila, dahil ikaw ay ikaw lang sa mundo ng kolehiyo. Mas matapang ka, mas imposible ang pangarap, mas maangas, mas renegade kese hodang may baon ka o wala. Then naisip ko-- nasaan na ang mga iyon? Bakit nawala? Sadya ba silang nawala o binitawan ko sila? O dahil nasa reality na kasi ako kaya sila naman ang isinantabi ko? Ano na? Ano na ngayon?
Ang sarap lang balikan yung mga ganoon ano? Kasi bigla kang napapatanong sa existence mo ngayon. Parang nabuhay ang drive. Parang ayaw mo na maging dreary sa 'reality' world na ginagalawan mo ngayon. In fairness, hindi ako nalungkot. Instead na-challenge pako, nadaluyan muli ng kung ano mang sapi ko noong ako'y kolehiyo't kainitan ko pa. Gusto ko ulit mag-init. Hindi ko alam kung saan at kung paano pero nakaskas na siya sa dibdib ko. May buti pala ang pagbabalik na ito. It's as if i came back to move forward...
Salamat dahil nakaka-dagdag pukaw din na ibang iba na ang hitsura ng UST ngayon. Parang may kapiraso ng Europe sa gitna ng kalakhang Maynila tapos samahan pa ng festive spirit ng mga christmas lights---dreamy! I can almost hear a french song as we stroll around the campus. Ang lakas maka-Renaissance. At nakakatuwa lang na minsang naglakad ako doon na punong puno ng kung ano man...

Comments
Post a Comment