Busy times

Yes. Busy talaga. How busy? Tatlong linggo na ang pedicure ko at natuklap na on its own. Umattend ako ng kasal na walang manicure at napuna pa ng photographer. Dapat daw nagpa manicure man lang ako. Leche. Gusto ko siyang taningan ng buhay.  hahaha. Huwag niya akong paandaran ng manicure. Buti nga naalala ko pa mag-wax ng buhok sa kili kili. Pero iba talaga ang ka-busyhan ng June-July ng taon na ito sa 'kin. Kailangan eh. Dahil pag bumuka na ang August. HAAA!!!! punyeta. Yun lang. May bakasyon ako in the most major way possible. Kaya sulitin ang mga panahon na dapat maging busy ka. Pero hinga rin naman pag may time at pumuslit sa Sale haha.

Bago lumarga, gusto ko magpasalamat sa mga na-hook, sumilip, na-imbyerna at naloka sa show namin na My Husband's Lover. Abang taga-sulat po ako sa show na 'yan. Natutuwa ako na pinag-uusapan ng mga friends ko at tine-tweet pa ng mga kumare. Pati mga officemates ng kaibigan ko inaalam pa. Nakakatuwa na may impact at proud ako na parte ako ng show. It's a happy accident.  Ito ang cast sa prescon namin some months ago.



I remember some months back. Medyo kabado kami kung papatok ba ang show na 'to since housewives ang audience at baka maraming ma-offend. So far may mga na-offend at madami ang nag-rave. At least may something.

Ang pinaka-masayang feeling ko bilang writer ay yung makita ang naisulat ko na inarte ng maayos at higit pa sa expectation. I'm very particular sa acting part kasi siguro taong teatro ako, at sige na nga, naging aktres din ako kahit papano hahaha. Pagkatapos ko isulat ang isang linya, inarte ko na ng ilang beses 'yan, iniyak ko na at humilab na ang dibdib ko para sa mga dialogue. Kaya pag di ko nakita yung akting ko sa TV, nalulungkot talaga ako. As in. Apektado ako in a dedma way. Para akong nagbate at hindi nilabasan. Masaya ako na ang simpleng salita sa papel nagagawang pasabugin sa TV dahil sa tamang akting ng artista at direksyon. At plus na kung mahigitan pa ang expectations. Salamat kay Carla Abellana at sa kanyang acting sa show na ito. Ibang klase. She has proven herself worthy to be called a real actress. Simpleng simple. No need for tag shit na primetime queen or whatevs. Real actress is enough. And that's why I'm so happy.

Carla Abellana as Mrs. Lally Soriano
Abangan pa ang mga mangyayari sa husband, sa lover at sa wife. Salamat muli.

Comments

Popular Posts