Dalawang gabing naka-lipas

Two nights ago busy ako. Oo at napansin ko tuwing nagsusulat ako dito, iyon ang aking opening salvo. Busy ako. Di siya nakaka-ganda ha. 2 na naman ang tagyawat ko na mukhang may namumuong maggot sa loob. Matindi. Malamang maraming nana. Kadiri. Pero ganun talaga. Trenta na 'ko so dedma na.

Tapos may isa akong ka-trabaho, writer din sa TV. Nag-rant siya sa Viber, sabi niya pagod na daw siya. Ayaw na niya magsulat. Magtatayo na lang daw siya ng restaurant. Sabi ko windang ka lang dahil nahihirapan ka sa labada mo. Ganun talaga, kailangan suungin ang mga labada kahit pa may mga kasamang tinik at kutsilyong naka-usli. Sugatan ka paglabas pero naman the scars make you beautiful. Sabe? Arte lang.

Tapos on the same night may isa na naman akong ka-trabahong nag-rant, this time naman sa FB chat. Ayaw na rin  niyang magsulat, nakakapagod at nakakalungkot na trabaho. Ang deadline walang pake sa'yo, kahit lumabas na ang kalahati ng tubig sa katawan mo sa ilong. Kebs ba niya. Ako nga nakikipag titigan sa deadline pero ako ang tumitiklop. Ganun talaga. Someone has to deliver.
Pero ang nakakatawa sabi niya: magtatayo na lang daw siya ng tapsihan. Pag ayaw na, pagkain talaga ang kanlungan ng mga writer? Ganun ba yun? Sabagay, masarap naman talaga kumain.

Teka, napansin ko lang panay rin ang tutok namin sa mga chat chat na 'yan. Nakaka-tanggal umay din. Mas ma check ako sa Twitter (kasi maraming nega at corny sa FB)  tapos open ng link, basa ng news. Sa Instagram naman napapa-gastos ako hehe at umay factor ang mga nag nagse-selfie at panay ang porma (na siyang pumalit sa mga food pics). Akala ko noon pang- artsy pics lang ang Instagram kaya yun ang tema ko palagi bukod sa pamilya at mga patterns. At pampapa-tanggal sa lahat ng umay ang Candy Crush. Level 140 plus na 'ko at binubulabog ko pa talaga ang mga friends ko na I-approve ang ticket bago ako mawala sa sarili. Thank you technology, pamatid umay ka.

Anyway, napa-tanong din ako sa sarili ko-- naramdaman ko na ba ito? Itong feeling na ayaw ko na gawin itong ginagawa ko? Hindi pa naman awa ng Diyos. Nakakapagod, totoo, pero di ko inisip na magtayo ng steakhouse. Masaya pa naman ako at para sa 'kin yun talaga ang mahalaga. Basta masaya ka pa. Nakakapagod lang dahil masakit sa likod, masakit sa ulo at puyat ka, kalaban mo pa ang sarili mo dahil paminsan di ka kuntento o dino-down mo pa ang sarili mo.

Malungkot dahil mag-isa ka, literal. Naka-buyangyang ang puson mo, butas ang shorts mo at nagtitipak na ang nail polish mo at ang kapiling mo lang ay ang soft tictac ng laptop mo. Well, honestly, di ako nalulungkot pag nagsusulat ako. May natural high pa nga akong nararamdaman at some point. Ok lang sa 'kin mag-isa dahil  loner din kasi ako minsan.

Pero soon siguro mapapagod ako. Nai-imagine ko ang sarili kong nagreretire ng may sapat at nagsu-surfing sa dagat kasama ang anak ko. Yes. Yan ang  picture ko. Tapos nagsusulat pa rin on the side. probably nagbabalik teatro. Wala akong restaurant. Ni hindi nga ako maka-isip ng magandang business. Pero siguro gusto ko ng maliit na hotel na may small garden patch at nagbebenta ako ng mga accessories at kurtina doon na ako ang gumawa. Or pwede ding mag-aaccept ako ng gift wrapping services sa Pasko. Ayun lang.

Comments

Popular Posts