Mid year musings

So ito na nga, July na. Kumusta ka? Kaya pa ba? Hahaha. Of course. Kumusta ako? Heto ako ngayon, isang cactus na nakatingin sa bintana. Gustong kumawala pero may screen.



Nasa gitna ako ng gyera ngayon. Hindi ko inexpect mabigyan ng ganitong klaseng pressure sa buhay pero alam mo naman ako--- bilang Aries. Arya lang ng arya. Saka na magreklamo. At heto, medyo nagrereklamo na nga ako not in a way na aayaw na 'ko. But yung reklamo na mailabas lang and then ok na. Maibalibag lang sa blog. Alam mo yun. Syempre gusto ko tapusin ito with flying colors... o sige kahit full colors na lang kahit wala ang flying part.

Isa na akong punong tagapanulat sa isang drama soap sa GMA, na promote ang lola mo--- yehey na may aray. Sa Primetime 'te---hinaan ang yehey doblehin ang aray. Hahaha. Natatawa ako sa sarili ko. Mahirap kasi maatangan sa primetime, lalo na pag baguhan ka. Ang primetime talaga ang warzone sa idustriya ng telebisyon, kumbaga sa Game of Thrones---welcome to Kings Landing.  Not to disregard the Afternoon block, let's say, iyon ang The Wall. at panalo kami dun dahil sa Night's Watch or should I say the Afternoon watch. (pucha maipilit talaga di ba?)

Kaso ang usapan ay gabi--- mas mataas ang rate ng ads sa gabi, mas madumi ang labanan at kadalasan pag panalo ka sa gabi parang panalo ka na sa buong universe. Matindi ang kumpetisyon at naka-kunyapit kami sa dulo, naka-hawak ang dalawang kamay namin na pilit nilalagyan ng grasa ng ABS. But hindi pa kami bumibitaw, awa ng Diyos. (nagkaroon din naman ng time na sila ang naka-kunyapit at kami ang tumatapak sa kamay nila haha ganun talaga, bilog ang industriya)

So ito na nga, nasa gitna ako ng fire sa aking baptism of fire. I'm more than willing to go through it and take it as how it is shoved at me-- sunog and all. Buti na lang sa edad kong ito ako naipasok sa ganun. Dahil kung noong mid 20's ito naibigay sa 'kin and with the same shit involved, patay malamang naglaslas na 'ko sa insecurity at sama ng loob. Salamat sa dalang maturity at calmness ng 30s. I love it. Sige bangas lang ng bangas because at the end of the day, hanggang dun lang yun at ako, kailangan ko pang maghugas ng pwet ng anak ko at umattend ng taekwondo lessons niya.

Nakakapagod lang. 2 days ago nagkasakit na 'ko, nawalan ako ng boses at naging water falls ang ilong ko sa sipon. Laos na rin ang aking tennis career na sampung taon na atang on and off. I know I need to find time for these pero ang dami kong excuse at most of the time gusto ko na lang matulog o magpa-facial. Yeah, obvious na sa mukha ko ang stress. Mukha na naman akong nagdaan sa puberty age, band t-shirt na lang ang kulang.

Then last night I felt so good dahil medyo tumaas na kami, dumikit na daw ang ratings. Naiyak ako na parang iyak ng Nanay na nagco-contract sa 24 hour labor at nasa 3 hours pa lang ako. Yung isang pingas ng iyak. Syempre isang gabi lang yun pero masaya na 'ko, gusto ko na magpapancit. Ayan na dumoble pa ang pressure na masustain ang isang gabing pingas na yun. But it's all good.

I saw this prayer request thing that a former classmate always did annually--- she asked us to tell her what we hoped for and that she would pray for it in time for their fasting. I remember asking her a year ago, to pray for us to be safe sa one big trip namin sa US. And then I asked her again now to pray for my show and sana maka-impart ng maayos sa viewers. Yeah, I believe in praying but most of all sending out gratitude for things and experiences like this one of a kind I'm going through right now. So, what else do say but bring it on Mrs. Real.



  

Comments

  1. Hey geng! I just realized i saw your name in tv (consider i rarely watch nowadays because of duties in the hosp.) well, thank God for tv in the ICU. Ang ganda teh ng pagka lettering ng name mo! Proud of you! Keep it up.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts