Throwback Talak

Nagsulat ako ng patalak sa aking iphone. Mailabas lang at mai-compare.

Oct 28:

Alam mo yung pagod na pagod ka. parang 99% ng utak mo nagamit today pero hindi naman talaga (dahil kung nagkagayon, ako na malamang si Jean Grey ng Xmen) Gumagapang na paluhod ang ulo ko sa sakit pero nagawa ko pang sipatin ang namumuo ko na namang tagyawat. Salamat ha, iba talaga ang angking papansin ng tagyawat sa buhay ko. 

Wala akong kinain sa loob ng sampung oras kundi kalahating cupcake. Hindi naman ako nagutom. Diyos ko, kaya pala, dahil kinain ko na rin ang mga cuticles ko. Protina
at alat? Pak! (Di kaya sign ito ng mga taga terminus sa walking dead) eew. 

Naka tatlong paroo't parito ako sa CR dahil malayo ito sa coffee bean. Magandang exercise pero pabugso bugso...

Binalak ko pa man din manonood ng Gone Girl dahil naiinggit nako sa mga twitter posts na maganda siya. Gusto ko ring magandahan sa kanya, gusto ko ring maki word of mouth... Pero matapos ng ilang ikot ay alas dyes na pala, pasara na ang tindahan. At ang nakaka inis pa nito, sa dami ng nangyari sa 'kin habang ako'y naka upo--- naka Day 1 pa lang ako ng revisions ko. Aray. Patay.

Cut to Present:

Nov 6

Masakit pa rin ang ulo ko. So same kuda pero i can say 95% lang ang lakas-utak na nagamit ko. Wish ko pa rin maging si Jean Grey na lang ako at some point.'

Wala na ang tagyawat sa fez ko, marka na lang. Chaka pa rin pero dedma.
Sa loob  ng sampung oras ay nakakain ako ng sandwhich at crepe cake sa starbucks. Wow.Improving.

Sugat sugat pa rin ang cuticles ko.

Hindi ako nag coffee bean today, nag Starbucks ako. Pinaka-malapit kasi.

Nakapanood na 'ko ng Gone Girl, in fairness, maganda, sekswal at sensual. Pampa-basag sa normal na ideology ng pagsasama ng isang mag-asawa --- hanggang kailan ka magtatagal sa isang relationship at di dahil sa mga shit na drama ha. Gusto ko ang full circle of the visuals pero may lamat na rin pati ang manonood sa huli. At parang ayaw mo na mag-asawa ng gaga. O di ba, may nugget review.

at 3am na pasara pa lang ang tindahan ko.
Pero ang pinaka the best ay wala na 'ko sa Day 1. nasa 3rd draft na 'ko. Improving nga. #

Comments

Popular Posts