Birth Month



Love ko ang Abril. It's my birth month! And bukod doon, parang napaka-fresh ng aura ng April para sa 'kin que birth month ko pa siya o hindi. Kick off siya ng summer season at bakasyon, start ng spring sa kabilang bahagi ng mundo at namumukadkad pa ang cherry blossoms sa Japan sa ganitong buwan. Kadalasan april din pumapatak ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Parang nasa buwan na ito ang senyales at essence ng New Year, hindi ba? 

At kung sa unang bahagi ka ng Abril ipinanganak, malamang Aries ka rin tulad ko. Ayon sa mga nababasa ko, kung Aries ka--- malamang optimist ka, masiyahin, straight to the point, generous, impatient, go lang ng go at mainitin ang ulo. Yeah, swak naman siya sa 'kin. Pero hindi naman nabo-box ang pagkatao base sa kanyang zodiac sign? Ano lang ba 'yang zodiac sign? Alignment of stars? We are more than stars anyway, we are composed of a million atoms and mahigit sang 'milyon din ang depinisyon ng ating pagkatao. Shett naman, hayop sa profound. Pa-deep pero naniniwala ako sa puntong iyon.

Magdo-double digits na rin ang edad ko, nakakatakot di ba? Ang huling double digits ko ay noong 22 years old ako. Jusko, ano ba ang ginagawa ko noong time na iyon? Ah i remember, hampaslupa lang ako sa isang malawak na hierarchy sa industriya ng telebisyon. Dami akong natutunan at ang dami kong iniwan na timbang noong bente dos ako. At ang edad ko noon ay kaparehas pa ng waist line ko.
Lord, ang edad ba ay humahalintulad sa waist line kada birthday? Kung tamad ka--- isang malaking OO! Hahahaha.
 
Eh ngayon naman, hindi pa rin ako tapos matuto pero nagdagdag na 'ko ng timbang. Keri lang. Awa ng Diyos, hindi na ako masyadong hampas lupa ngayon, hampas laptop na lang. At salamat na rin dahil ang waist line ko ay hindi pa sumasabay sa edad ko.

May co-writer ako na nagsabi sa 'kin na lumambot daw ang features ko. Aminado naman ako noon na may resting bitch face ako. Mukha akong suplada kahit hindi ko naman hinulma ang fez ko maging ganoon. Bakit ba ganun ang fez ko, sana mukha na lang akong gorgeous without even trying to!  Naalala ko yung isa kong friend, mukha siyang mapang-akit kahit hindi naman siya nang-aakit. Ang saya ng problema niya di ba? May isa siyang friend na lalake na sinabihan siyang huwag tumingin in a certain way pero ano bang magagawa niya?! Eh sa ganun talaga siya tumingin--- mapang-halina!
Hay, face problems.

Pero tapos na ako sa face problems ko at natutuwa naman ako na naging mas relaxed daw ako at mas amiable ayon sa perception ng iba.  Siguro daw dahil may malaki na daw akong pinagdaanan at iyon ang nakapag-palambot sa 'kin. Siguro nga. O baka naman nahulma na rin ako ng panahon at lumipat na sa fez ko?

Pero kahit relaxed ako, ayoko namang tumigil. Marami pa 'kong gusto gawin. Marami pa 'kong gusto pangarapin--- pa-iba-iba at sala-salabat pero hindi nauubusan. At salamat sa Diyos sa double digits na  edad na ito dahil mas panatag na ako na kahit di ko siya magawa, kampante naman ako na meron pang susunod. Di ba? Kasi kahit maliit lang tayo sa mundong ito, gamitin na natin ang kaliitang iyon para gawin ang lahat upang tayo'y lumaki at mamukadkad. O, deep na naman, shett.

PS--- may hashtag ako sa pagdating ng aking birthday. #letitbe@33 Wala lang, para may paandar. Ayan, kababawan at pa-millenial.
 







Comments

Popular Posts