Balentayms
Wala sa sistema ko ang Valentines pero natutuwa naman ako sa dagdag na cozy feel nito sa mga tao. Ang dami kasing paandar at isyu pag Valentines, lumalabas ang kahibangan ng mga tao pagdating sa pag-ibig, sa idea ng pagmamahal and that dread na wala kang jowa on that day. Diyos ko, sa panahon ng global warming at naka-ambang pag-salakay ng China, jowa pa rin ang isyu on a Valentines day at heto, bagong bago--- yung mga jokes na may lindol sa gabi ng Feb 14. Juice colored.
But let's break down Valentines on a superficial level. Yung mga flowers bet ko yan dahil mahilig talaga ako sa bulaklak and I buy my own flowers for my sanity's sake. Yung mga hearts hearts keme, dedma. Yung chocolates, bet ko iyan. Actually, araw araw ako kumakain ng chocolate of all types at awa ng Diyos hindi pa naman ako diabetic. Yung kulay red at pink, yiiiiii. Hindi ako fan ng red kahit pa fire sign ako. Yung pink sinusubukan kong magustuhan and I'm getting there. Pinaka-hate ko lang ang traffic at walang makainan sa mall pag valentines. Yung gutom ka lang at wala ka namang balak magpaka-romantic keme pero sakto lumabas ka on that day at nga nga ka sa hassle.
Isang paandar ang nag remind sa 'kin na Valentines pala. Nagpa-deliver ako ng pizza sa Yellow Cab at ang unang bungad nila ay Happy Hearts Day! Thank you for calling blah blah blah.
Happy Hearts day daw o. Kung bitter ako baka babaan ko ng telepono ang babae o kaya pagsabihan siya na magtanong muna ng status-- kung taken, taken for granted, single and lonely, single and happy, saka niya i-ayon ang greeting niya sa status ng customer. Iba kasi ang pagbati ng Happy hearts day sa Merry Christmas. Iba ang hugot pag estado na ng puso ang usapan kumpara sa Pasko dahil birthday naman ni Jesus yun at masaya talaga pag may birthday, lalo pa kung si Jesus di ba?
Iba pag nagsabi ka ng Happy Hearts day at alam mong hindi ka happy--- una dahil walang may birthday, at pangalawa, paano kung na-i-highlight ang pagiging unhappy mo? Dahil wala kang date, wala kang natanggap na bulaklak o chocolates... medyo iba siya sa lahat ng bati kasi it's almost like plunging into the unknown. Kaya wag siyang bubungad ng happy hearts day dahil kadalasan sensitive ang mga tao sa araw na ito. Customer service ang tawag dun--- make it a special type of customer service dahil sa puso nagmumula ang lahat. At ang simpleng pagbati can make or break a sale of pizza on a V-day. Oo, sineryoso ko at inurirat ko talaga ang pagbati niya ng Happy Hearts day bwahahahaha.
Pero dahil mas matimbang ang kalam ng sikmura kesa sa status ng pag-ibig, tinanggap ko na lang at umorder ako ng pizza. Nakatanggap ako ng mga valentine's card galing sa mga junakis at ok na 'ko dun.

Comments
Post a Comment