Happy place

Nakapunta ka na ba sa isang unlikely place kung saan nakakaramdam ka ng mga mini- fist pumps sa puso at nakakapag-buka ng utak mo? Galing lang ako dun kanina sa isa sa mga happy place ko at iyon ay walang iba kundi ang Carolina's sa Megamall. Oo yung bentahan ng mga tela, sequins at anik-anik pang mga pang-sastre. But wait, hindi ako sastre as in literal na sastre complete with patahian (but I'm a "story sastre" on the boob tube if i want to sound pa-cool) pero tuwing dumadayo ako ng Megamall, hindi pwedeng hindi ko iyon puntahan. Third level Mega B side.

Madalas ini-iskip ko na ang Forever 21 dahil punyemas may shortage sa tela ang ganap eh (kundi see thru mid riff,  kundi mid riff laslas sa bawat manggas at bitin kung bitin ang lahat ng damit anu ba!) pero yung Carolina's talaga, hindi ko siya mapapalagpas. Kung may kakulangan ng tela sa Forever 21, sagana't umaapaw ang tela sa Carolina's. Lahat naroon, mula satin to duchess satin, silk at geena silk, lace to chemical lace (kanina ko lang na-discover na may chemical lace na tinatawag, may formula ba yun?) pati mga beads, faux pearls, head dress, butones of all kinds and sizes, pati hawaiian flowers, ribbons, native indian feathers, cat tails and chains.  Kung nagsuka ang pelikulang Moulin Rouge at Marie Antoinette, ayun nasa Carolina's ang kalahati.


the ribbons section

But wait again, hindi ako bumibili,  dumadaan lang ako, pinagmamasdan bawat tela at pattern ng lace, pati mga beads at sequins. Na-eexcite ako sa endless possibilities ng mga pwedeng magawa. Nakaka-tuwa, nakaka-gigil at times, nakaka-mangha but most of all nakaka-inspire.

It must be the Martha Stewart in me or maybe the costume mistress in me no? Or could be the hidden sastre waiting to happen in me? Parang sa bookstore, I could spend more than an hour in Carolina's just looking, checking the textiles, pretending to buy or probably buying some lace that i liked so much but don't know where to use. I like it that there's some fire and yearning to create or make something out of them.

Ugh. Ito na naman tayo. Salita. I'm rolling my eyes to myself now.
Pero at least nailalabas ko na siya, nararamdam ko and soon, words will fade to make way for some action. Ganernan ang labanan. 

Comments

Popular Posts