Mga gabi

Ito na yung isa sa mga gabing iyon. Tipong nasa crossroads ka ng buhay mo pero hindi naman (pero baka?). Matutulala ka tapos madadala ka sa isang chill out song na kinanta ng isa sa pinaka swabeng boses na narinig mo. Pumukaw ang lyrics sayo ni Nick Drake sa kantang Time has Told me

And time has told me
Not to ask for more
For someday our Ocean
Will find it’s shore

Nandito ba ako sa gitna ng ocean? Dagat pasipiko ba? Hindi ko alam. Pero gusto ko yung idea ng panahon o napapanahon. Gusto ko yung idea na makatagpo rin ng shore ang aking dagat. Metaphors. Lintik na metaphors. Bakit ba hindi na lang kasi derechuhin? Kasi siguro mas malumanay. Mas swak sa puso ang paligoy-ligoy na hindi naman talaga. Well, kung ano man yan. Sana magkatotoo. Feeling ko nakasabit ang puso ko somewhere. Naka-binbin sa natutuyot na sanga. Naka-nganga. Hindi ko makuha o hindi ko makita. Gusto ko ang idea ng somedays. Maganda isipin pero malupit pag sinamahan ng time. Kasi ang oras dedma sa lahat. Isa siyang primadonna. Time waits for no one ika nga. But then it has seen the better of us. At sabi nga ni Nick Drake-- Time has told me, not to ask for more. Kasi nga things will fall into place. Things will find its own way. Bakit ba ako ganito? Malungkot ba akong tao? Siguro. Siya, ititiklop ko na muna ito at isusuksok sa pinaka-sulok na bulsa ng aking buhay.

  

Comments

Popular Posts