Neck Affair

Mahilig ako sa burloloy. Hindi ko masasabing minimalist ako pero hindi ako aalis ng bahay ng walang nakasabit sa katawan ko. Hindi naman ako mukhang walking christmas tree at basta na lang may mailagay. Meron  pa naman akong konsepto ng art at balance pagdating sa mga ek-ek sa katawan. (huwaw!)

Nag-umpisa ako sa hikaw noong college. Dangling kung dangling talaga at the weirder the design the more i am attracted to it. Minsan nga kinokolekta ko na lang at di ko pa nasusuot. Then naisip ko mag channel ng focus sa mga bracelet, though hindi ganun ka extensive ang mga arm candy ko noon. Wala akong real jewelry like diamonds and stuff. Yung binigay sa akin ng nanay ko noon ay nawala ko pa at ang iba ay binawi niya. Siya na basically ang nagsusuot ngayon ng mga regalo niya sakin. 

But now that i'm in my 30's... yes naman. Meron na akong kakarampot na real jewelry kahit papano at medyo nag-iba na ang tastes natin. Medyo nababawasan ang pagka-all out pagdating sa porma dahil wala lang... tinatamad ka lang or gusto mo lang magpaka-safe or yung katawan mo hindi na sync sa dati mong aura. Basta, yun na yun. Ayoko sabihing nagde-deteriorate...let's just say nag-eevolve. Parang butterfly lang.

Heniways, namahinga nako sa mga wacko earrings ko noon although minsan panaka-naka. Nagsuot ako months ago ng mga tribal bead earrings ko sa meeting at na-distract talaga ang head writer namin sa akin. Sabi ko parte ng hypnosis yun. haha. But that doesn't I'm gonna stop wearing them. Sometimes it's nice to shock people.

But I parked some of my earrings and i focused more on my neck. My neck is the yet to be explored part of my body when it comes to accessorizing. So more on necklace tayo at heto ang ilan sa mga sinalpak ko sa aking leeg.



1. This big bead necklace is from Promod. Statement lang.

2. The chain necklace is from Forever 21. Pampa-break lang ng sweet effect ng damit ko that day. Toughen up the girly girl feel. Pero parang pantali lang sa aso di ba?

3. A lovely crystal flower necklace bought online in Martina-Martina. I feel special wearing it because it looks elegant. Any tattered shirt will instantly be lifted. Any train wreck will be an instant Audrey Hepburn if worn with these. There is a life changing situation in flower crystals.

4. This green string necklace with wooden beads is also a statement. Bought these in Bangkok.

Lahat statement necklaces dahil ano pa't naglagay ng burloloy kung di rin naman sila magkakaroon ng sariling buhay sa leeg ko. But wait there's more. Here's also another necklace na may gusto sabihin.


Architectural keme meets trigonometry meets laruan ng toddler. Obra na nabili ko sa sale bin ng Yhansy noon. Magwo-work lang talaga siya sa solid background or else walang effect. What necklace have you worn today?



Comments

Popular Posts