Ang Kubeta bilang Shrink.



Pag may pinagdadaanan ka, lalo na sa tiyan, ayan ang kubeta. Ilabas mo lahat hanggang sa manghina ka.Pero iba yung nailabas ko kaninang umaga sa kubeta. Hindi tae. Kundi tae na feelings. Yung masakit at unti-unti kang inuubos na para kang na-dehydrate emotionally, yung  nakaka-belittle ng pagkatao mo. Kahit ayaw mong maramdaman pero naka-sakmal siya sa leeg mo at hindi pwedeng hindi mo siya iwasan.

I got myself a broken heart (I thought broken hearts are for lovers pero may ibang level pa pala) and a broken spirit this morning at ang tanging karamay ko ay ang kubeta. Doon ako naglabas. Doon ako kumapit para hindi ko mai-flush ang sarili ko… pati hopes and dreams. Chos. Iba pala pag pinagsama ang dalawa, the broken heart and spirit--- para silang evil stepsisters at ako si Cinderella and there's no glass slippers coming. Ain't that a smack of reality?

Sana nga nagtae na lang ako, yung totoong jebs kasi madali namang mareplenish yun. Ang hirap pag na-drain ka emotionally, parang walang natira sa ‘yo kundi… ikaw lang.  Ayaw mo na mag-inarte pero andiyan eh dahil tao ka lang… nasa dark side of the force ka at higit sa lahat nasa kubeta pa. Moist ang paligid at may hollow sound, may drip pa ng tubig. Kaya mas dama, mas nanunuot at mas naririnig mo ang sarili mong nababasag at hindi mo alam kung paano mo pupulutin ang sarili mo.

Grabe. Naisip ko lang ito a few months ago pero binigay ni God sa ‘kin in the most excruciatingly dramatic and metaphorical way. God is a real poet. I know He has His reason and I love Him for being this dramatic. He knows me too well and I think He heard me back then and surprised me with this. Medyo pa vague ako pero malalagpasan ko din ito... It's a me against myself kind of battle and as much as i want to deny it... I am also weak. Oh and it's my mother's birthday today. Makes me want to crawl back to her amniotic sac and chill there for a day.




Comments

Popular Posts