Robota

Linggo. Alas tres ng hapon. Medyo masakit ang likod ko pero wala akong protruding puson. Iyon na ata ang pinaka compensation ko, the fact na hindi ako mukhang kapapanganak lang. Pero iba ang usapan pagdating sa fez.

Siguro dahil hindi ako nakakain, dahil nakakalimutan ko kumain, dahil busy ako, dahil cuticles na lang ang nginangasab ko. Ay teka, dahil nagsusulat pala ako at sunod sunod na tibag ang inabot ng script namin. Part of the job.  Nakakapayat.

Tibag. Tibag meaning blagadag, wasak, overhaul ng script na minsan lagpas 100 pages. Yung puso, kaluluwa at namamanhid na pwet na inilaan mo para gawin iyon ay ji-nackhammer lang naman. Gulagulanit ka pagkatapos dahil i-eenumerate lahat ng maling nagawa mo sa harap ng kasamahan mo. Pero sabi nga, part of the job. Hindi ako magrereklamo dahil hindi naman ako si Shonda Rhimes o si Jun Lana na mabangis gumawa ng script.

Sakto lang matibag kung may oras kaso kung nag-aabang ang production sa script at umeere na kayo, mas masakit sa puso metaphorically speaking. Lalo pa at ikaw ang headwriter. Pero heto... sumasakit ang puso at dibdib ko, literally. Naninikip na di ko maintindihan. Siguro dahil apat na araw na ata ako natutulog ng 5am at gigising ng 12noon. Ang agahan ko, hindi na itlog and whatever, sinigang na may sabaw na. Tapos dahil medyo kulang ka pa sa tulog, 3pm ka na talaga aalagwa sa pagsusulat.  Kaso magugutom ka na naman. Pagtingin mo walang makain dahil hindi ka pa pala nakakapag-grocery. Buti na lang nawala ang puson ko. Iyon na lang. Iuutot ko na lang ito at matatapos din siya.  


Comments

Popular Posts