Ngunit wala ka



may hinanakit sa aking mata nang ito’y pumikit 

sa halakhak matapos tumikom
sa binti matapos nitong tumalon
sa pisngi pagkalipas ng haplos
sa dibdib, sa ipin, sa leeg, at sa labi.
higit sa labi matapos ng halik

dahil puso ko’y nakasabit sa sanga
sa disyerto ng tama at mali
sa gitna ng mayroon at wala
ako’y umasa
imbes na siya
ikaw sana
ngunit wala ka.

Comments

Popular Posts