ITO NA NAMAN AKO

Hindi ko na naman ma-access ang blog ko na more than 6 years na.
Naiinis na ako actually sa splinder. Di man lang ako sinabihan na tatanggalin na ako sa mundo ng webspace o papahirapan ba niya ako sa pag-access ng account ko para makapagsulat ng aking 2 cents worth. Parang gago di ba? Wala man lang warningan? kahit chismis man lang.

Kung kailan ba naman ako sobrang kati mag blog at magsulat ng kung ano-anong mga kuro-kurong pumapasok sa utak ko saka pa niya ako bibigyan ng major let down. At tangina di ko pa maintindihan yung notice! Spanish kasi ang leche.

Heniways, dahil nagtampo na ako sa yo splinder. Siguro dito na ako marahil mamalagi sa aking back up blog na blogspot. Yehes naman!

Hindi kasi ako mahilig mag-update ng mga bagay bagay, paminsan kung ano na ang nakasanayan ko ay yun na. Gaya na lang ng phone. Di ko feel gumamit ng iba dahil sanay na ako sa phone ko (colored naman na siya hehehe). Feeling ko titirik ang utak ko sa sobrang technology dulot ng iphone at blackberry. Pero like ko na rin ang blackberry bilang twitter monger ako paminsan. di ko lang feel yung napaka-liit na keyboard. Parang parusa sa daliri.. but then again sanayan yan.

Gamit ko pa rin ang aking 5 years old na laptop. Nag-crash na siya ng isang beses at dinedma ako ng bongga pero nilagyan ko lang siya ng bagong OS at bagong skin para kunwari hip tignan at di mukhang luma. Well, na-realize ko na kasing tanda pala ng blog ko ang una kong laptop-- na siyang bumuhay sa akin ng maraming taon.
Kaya marahil ay loyal ako sa splinder bilang blog host ko pero look what it did to me...

Sayang yung luma kong blog. Nandun kasi lahat. As in lahat lahat. Dalaga pa lang ako nung ginawa ko yun at di pa uso ang mag blog. Hanggang sa mabuntis ako at mag-asawa, naka-limbag siya doon sa aking mumunting old timer na blog. Lahat ng pangarap, muni-muni, saloobin at mga hidden desires ay nandoon..

Gengkie the Newbie ang title ng original kong blog dahil doon ko itinatala ang lahat ng bagong bagay na nade-discover ko-- be it feelings, food, performances, new angsts and funny moments. Ang sarap kasi ng feeling ng bago... ng something new that would make your eyes wide open again. At ako, mas nai-popour down ko ang mga bagay kapag sinusulat. ewan ko. Bakit nga ba? Gusto ko rin ng nagbabasa ng mga blog ng mga tao-- yung heartfelt ones kahit mababaw lang. Plus points na rin kung maganda an pagkakasulat-- with all the searing and drama and flair of the print.

Siguro it's about time na lumisan na rin doon to start something new. Something fresh. and that's a new blog. and this is it, i guess... now how do i post photos here?!

Comments

Post a Comment

Popular Posts