Isang gabi sa mundo
Isang gabi nag-inuman kami muli ng aking kaibigan. Nakakainis kasi kahit di niya sabihin lagi niyang pinapaalala kung ano ako talaga. Noon. Parang mas kilala niya ang sarili ko kesa sa akin. Nakakainis di ba? Kasi paminsan gusto kong takasan yung mga nire-remind niya sa akin palagi. Na simple lang ang mundo. Dapat maging masaya.
At kung masaya ka madali mong maibibigay ang kasiyahan sa ibang tao. Masaya ang mga tao sa paligid mo. Natatanggalan mo ng garapata ang mga aso mo at natatabas mo ng maayos ang bermuda. Yung mga saktong ganun lang ay nagagawa mo kasi... masaya ka. May kurot sa iyong puso at makinis ang balat mo.
Hindi yung isang gabi habang sumasayaw kayo sa isang high end na bar ay bigla ka na lang maiiyak sa sobrang tuwa. Nakakaloka. Lahat kayo nag-eenjoy na nagclu-clubbing tapos bigla kang luluha. Kasi doon mo lang ulit naranasan maging masaya, sa moment na iyon na lango sa Bacardi at nagpu-pump pump to the beat of the music. Sa gitna pala ng sobrang kasiyahan biglang pupukawin ka ng sobrang kalungkutan. Wala man lang jumping board. Ganyan talaga pag ma -drama ka. Paminsan umeeskapo ka sa drama para bigla kang sagpangin sa mga di inaasahang pangyayari. Mapapatulo ang luha mo sa background music ng On the Floor ni J. Lo pagkat nandoon ka sa moment na akala mo di mo na muli iyon mararanasan. Ang sarap. Ang saklap.
So para naman bumalik ako sa kapayakan ng panahon. Naglango kami ni K sa dati naming luho. Pilsen, kwentong ka-werdohan at teatro sa saliw ng blues ng malupit na guitar strumming oldie, at yung alam mo na..
Masayang masaya ako that night pero hindi ako umiyak. Nanikip lang ang dibdib ko pero wala naman akong sakit sa puso... marahil meron na nga pero pinipilit ko lang takpan. Kasi magaling ako sa mga ganun, mahilig nga ako maglagay ng takip sa mga lalagyang plastic sa ref.
Kaso sabi ni K na ang bulkang Taal daw ay bumulusok isang araw dahil natatakpan ang mga maliliit na lagusan ng usok nito sa mga gilid. Sa katatakip ay nawalan ito ng breathing space. Kaya ayun na wipe out daw ang ilan sa mga baranggay ng Batangas nang minsang sumabog ito. Natatakot daw siya para sa akin. Sabi ko naman mabait akong bulkan-- dormant na nga actually. Pero sabi niya ang bulkan ay bulkan pa rin.
Sa gabing yun, imagine, nagkwentuhan kami tungkol kay Eric Clapton, Jennifer Lopez, mga junaks (na di maiiwasan bilang sabay kami halos naging mudra) mga takip at mga bulkan. At parang tila tinilad tilad ng gabing iyon ang buhay ko--- inilagay sa lalagyan, nilagyan ng takip at ipinasok sa ref.

Comments
Post a Comment