Feb Random Rant

my Gosh, pebrero na pala. anong ginawa ko nung huling buwan? ok naman pero medyo wala lang. twice nako nakapag-tennis pero hindi pa rin ako nakakapag-jogging. in fairness, nakapanood ako ng dalawang sosyal na play for free care of my print media friend, yun nga lang english, lam niyo naman may bias talaga ako sa filipino plays.

Hanggang ngayon wala pa rin akong matinong drivers licence. Ang Ipad ko bigla na lang nagpatiwakal ng walang suicide note. At leche dumami pa ang tagyawat ko simula nang gumamit ako ng mga bwisit na freebie stuf na pinapahid sa mukha na mula pa sa Korea. Ngayon mukhang pahina ng connect the dots ang fez ko. Tapos malalaman mo sa news na may malaking discount si Corona sa megaworld condo niya. Buti na lang cute ang mga anak ko, nakakabawas ng kunot sa ulo.

at isa pang news flash--- ang cellphone ko jowa ata ang Ipad ko, sumama na rin sa kabilang buhay. bigla na lang namatay ng natural causes. Ngayon may substitute akong querty phone na hindi ko masakyan dahil parang maliit na laptop--the last thing i need is an image of a laptop because napre-pressure ako sa mga kailangan kong gawin at tapusin pa. Buti na lang sadyang napaka-palad kong minion ng headwriter namin, matagal ang deadline. buti na lang talaga.. Mabait pa rin ang Chinese zodiac sa akin. Iniisiip ko dahil ba 'to malas ang year of the dog sa year of the dragon? o dahil hindi na ako beautiful? Ay ayoko yung huli, erase-erase-erase with matching Maricel Soriano moves. bwahaha.

Ngayon masakit ang ulo ko, nanlalata ako, di nako makakapunta ng isang meeting ngayon (dahil may sulat pa at di ko na keri)  Hindi ako makapag-umpisang magsulat ng script (at inuna ko pang mag-blog, di ba?). Diyos ko, hirap na hirap ako sulatin siya at ang bagal ko. Ang dami kong lull moments pero dere-derecho naman kapag feel na feel ang mga eksena-- lumalabas ang inner theatrics ko, may sarili akong drama-rama sa utak na ako artista, direktor, taga-ilaw pati gaffer. Mahirap pero gustong gusto ko.. parang life lang di ba? o baka naman malapit na akong reglahin? o baka di pa kasi ako naliligo simula kahapon? or pwedeng both?

PS. On a good note: mag-uumpisa na ang Game of Throne sa April sa HBO.
On a bad note:Wala kaming cable, ni wala rin kaming antenna- ganda di ba?
LED nga ang TV wala namang antenna at cable.
Hay life--you are so amazing and so full of things that you always keep me on my toes-- pero pwede rest muna saglit lang.

PS 2-- did i just type all these in 5 minutes?

Comments

Popular Posts