Pebrero na pala.
Lumipas na ang panahon ng resolutions, bucketlists at yung kuripot-savings timeline-- na lahat ay wala ako. Ayoko kasing matali. Meron lang akong isang goal na hirap na hirap akong i-push gawin. Basta. Alam niya yun.
Ano bang mga pinaggagawa ko nitong January? Wala masyado. And i love it. Ayoko na umpisahan na maging busy sa labada, di naman sa ayaw ko na ha. ewan ko ba. Mas nahihilig ako sa down time lately. Or katamaran ba ito? Burn out knocking in? Or could be the polar vortex stretching its arms in the tropics dahil ang hirap kumilos pag malamig? Or maybe all of the above.
So nag back to basics ang aura ko habang nasa twilight zone. Yung mga gustong gusto ko gawin, ginawa ko na. Gaya ng pag-inom ng tsaa sa isang dainty cup and saucer, pag-lamyerda sa hobby stores, pag bili ng bulaklak at pag-gift wrap, pag-inom ng ice cold Pale Pilsen at pasakitan ang sarili dulot ng tennis. Inshort--nagpaka-Martha Stewart slash Martina Hingis slash one of the boys.
Kahapon, nag-tennis kami ni Cheungsam sa UP. Yung binili kong bagong racket last year ay kahapon ko lang na-break in. Jusko. As in. Twice lang ako nakapag-tennis last year. Ngayon 2014 kaya? Karirin na ito talaga.
As usual, ang unang salvo talaga pag matagal ka nang di pumapalo ay sakit ng katawan at ang feeling mo ay nagdedmahan na ang joints mo sa isa't isa. Pero masarap siya, the sound of the ball, ang mga Monica Seles grunts (hahaha) the right hit and of course the afterglow. I love the afterglow it gives me. Feeling ko binigyan ako ng natural facial ni Mother Earth dahil ang ganda ng balat ko right after ko mag-tennis, at mind you, pabugso-bugso lang gumanda ang skin ko. Yun nga lang nagwi-withdrawal symptoms ang muscles ko at gusto niya nang bumalik sa pagiging safe sa sofa watching Breaking Bad hahaha. But NOOO. Not today Mr. White.
Kaso kinabukasan kailangan ko pang make-upan si M na parang pusa sa field demo nila. (Nagawan ko na siya ng tenga at buntot, mook up na lang). Bad timing dahil nanginginig ang buong forehand ko. Shet. Baka imbes na pusa ang mukha ng anak ko ay magmukha siyang pusang kinalahig ng manok na adik. Awa ng Diyos, convincing naman ang pagkaka-drawing ko sa fez niya amidst the nginig moments (at kahit di naman ako bihasa sa mga ganitong pa-epek). Hindi naman ako susumpain ni M balang araw na binalahura ko ang make up niya sa una niyang outing as a performer.
Pero hindi ito ang pang-Oscars entry ko for kitty make-up. Pang-MMFF lang. harsh ba? hahaha.
So right now, masakit pa rin ang katawan ko lalo na ang buong forehand ko. May nginig factor pa din ang mga kamay ko. Good thing I can still type. I'm savoring my last few hours of doing nothing really dahil bukas, magbubukas na naman ang tindahan... at iwe-welcome ko siya. :-)

Comments
Post a Comment