waiting game

so here I am, waiting yet again. not the most fun thing to do but i'm not complaining. It's part of my labada system kaya sanay na ako.  Kaso ang hirap pag naghihintay, hindi mo alam kung ano ang mga bagay na uunahin mo. Minsan mahaharap sa 'yo yung isang bagay na iniiwasan mo gawin dahil may feeling kang made-dead end ka sa kanya--- kaya minsan ayaw mong maghintay. Lalo na pag sanay kang may ginagawa palagi or busy ka. May nabasa ako--- busy is not something to be proud of or mas malala-- beware the barenness of a busy life. Ahhh... grabe. Sapul yung huli but thank God hindi pa naman ako sa ganung levels.   Well, gusto ko maging busy pero not busy busy ya know.

Dangerous para sa akin ang hindi maging busy at times. Pwede ko siya magamit usefully and creatively at the same time wastefully! And akalain mo bang I've come up with a short list?
Ito ang mga PROS of my erratic waiting time:

1. EXERCISE. Na-idrag ko na rin ang sarili ko mag-gym sa isa sa mga cheap na gym dito sa Fairview. Di naman ako nagpapalaki ng katawan or nagpapa-seksi pero mas gusto ko ang strength and endurance benefits, obviously gusto ko humaba ang buhay ko at maging bad ass sa pagte-tennis or any sport that I want to take. Panay treadmill lang naman at stationery bike ang inaatupag ko. Kahapon, naka-ikot ako muli ng non stop sa UP oval! Nyeta, laking achievement na yun  para sa akin dahil hiyang hiya ako na wala pa akong 3 minutes sa pagtakbo sa UP bumibigay na ako. And now, kaya ko na ang non stop na ikot. I love it. Ah that endurance! I just love it!

2 STUFF SORTING. As in all the other stuff. The never ending etcetera at mga post its in the mind are suddenly out there in its life form. Yesterday I put up some of my framed stuff sa wall. Mga matagal ko nang nabili at inayos in my mind at ngayon ko lang inayos ng bongga. Ayun, happy naman. Pati mga damit ko naaayos ko na sa cabinet. Lahat ng mga bagay na wala nang ganap, ayun nile-let go ko na. Pati pag-aayos ng resibo at yang lintek na BIR keme na yan, nabubusisi ko na dahil sa waiting time na ito. Ultimo pag bili ng bagong pitchel nagawa ko na.

3 READING Yes. Pagbasa. Stories ni Neil Gaiman at Al Santorrio ang pinagkaka-abalahan ko. Mga short stories na horror ang tema. Kakaaliw naman

Ang CONS? Actually, iisa lang naman eh. Yun ay ang SHOPPING. Kahit anong klaseng shopping yan--from window to actual, grocery at online shopping na walang kapararakan ang nagagawa ko sa aking idle waiting time.  Hindi maganda. Nakaka-ubos ng pera, syempre. Mula sa teapot sa instagram hanggang sa pitchel nga. Ayun, bili dito bili doon. Then kahapon tinignan ko yung teapot na nabili ko, napaka-ganda, Cath Kidston ba naman eh? Hindi ko siya magamit dahil kahit anong gusto ko mag-tsaa at magpaka-englishwoman in Sauyo kung 35 degrees na klima naman ang dadampi sa kili-kili ko, 'day, wag na lang. Dainty ka nga hulas ka naman. Hay.

Minsan talaga maganda rin yung paka-busy na lang. Tipid pa.  Yung hindi OA na busy ha. Yung tamang sweet at medyo life changing kind of busy. Meron ba nun? O guni-guni ko na lang yun. Ganun talaga siguro, you can't have it all kaya make the most of it na lang. On the good side, the PROS outnumber the CONS of my waiting time. Will power lang ang katapat niyan and i'm good to go to wherever this time is taking me. 
 

Comments

Popular Posts