Post Break Photo: California Trees

Busy pa 'ko. Konting tumbling na lang at matatapos na rin ang labada. Kay bagal ko kasi magsulat ngayon ng script-- well siguro kasi isang buwan ata akong walang hinarap na laptop at naglamyerda lang ng lamyerda. hehe. Kaya medyo nangalawang at bume-break in ulit. Madami akong musings sa US trip na yun pero di ko pa maumpisahan.

Kaya ito ang tinatawag kong breather post. Alam mo yung magbre-break ako sa pagsusulat pero ang aatupagin ko ay ang magsulat pa rin? Ayun. Adik lang paminsan. Pero syempre free style. Diary form at dedma paminsan sa grammar. Ayan ang isang picture na tumatak sa aming trip



Ang mga puno ng niyog sa LA. Bow.

Di na 'ko bago sa niyog bilang hello Philippines Mabuhay! Pero ibang iba sila sa niyog sa Pilipinas obviously. Reed thin, napaka-tayog, very sexy sleek sabay bubukadkad ng pa-sweet sa dulo. Para silang isang ulupong ng mga skinny Tina Turner-like supermodels with low BMI pero naka-stilletos. Karakter din di ba?  Sa Pinas kasi sa beach lang kadalasan matatagpuan ang mga puno ng niyog or sa koprahan? Pero ang puno ng niyog na kinamulatan ko ay sa beach at medyo stout, stunted growth at may marka pa ng tagak at ilang pingas. In short---very Pinas lang. haha.

Itong mga niyog sa LA ay matatagpuan sa paved streets. Nakakadagdag sila ng LA feel habang nagdri-drive ka  ng topdown through that long road. Uso kasi ang topdown at mga luxury cars sa LA kumbaga para lang silang tricycle na humaharurot sa Sauyo.

Kinunan ang pic na yan sa loob ng taxi while on the way to Rodeo Drive or Beverly Hills ata. Very relaxed traveler lang ang peg namin nung araw na yun. Lakad lakad hoping to bump into someone famous. haha. Magfe-feeling Julia Roberts sa Pretty Woman, Rodeo drive scene.  Tapos lalafez sa Sprinkles Cupcakes.


ATM Cupcake

Mahaba ang pila sa Sprinkles. May ATM na cupcake machine doon para ma-accommodate ang ibang patingi-tingi. Taray di ba? Ngayon lang ako naka-encounter ng oorder ka ng cupcake sa screen at iluluwa ng machine ang cupcake mo. The cupcake is good but I've had better cupcakes here in Manila.



At may puno din doon ng niyog. Nakikipila at nagmamaganda lang.
Teka, sabi ko tungkol lang ito sa mga niyogan sa LA. Bakit may cupcakes na? dedma na nga.


Comments

Popular Posts