Funny Car

There's this new toy that my kids got from somewhere. It really made me curious, because its says it's a Funny Car.


So kumusta naman ang box? At kung Pixar follower ka, alam mo na!! hahaha.


A closer look on it and you can see it resembles Mr. Lightning McQueen and Willy Garte. Sana hindi siya naka-bawal na gamot.  Or pwede din namang Lightning Mcqueen and Randy Santiago. Bago ko buksan ang laman ng box ay ito ang ine-expect kong hitsura niya. Lightning Mcqueen na parang initiman ng pentel pen ang salamin sa harap. Kaya nga't nagulantang ako nang ito ang finished product niya out of the box.


Boom! Lightning Mcqueen na naka-drugs. Gulantang is the term because hindi ko inexpect na ganito ang histursa. Naka-luwa ang mata na parang nakakita ng boobs ni Ms. Piggy. In fairness, natawa ako dito. Hindi ako naka-kape pero parang gumising ang diwa ko. Then i realized, hey, kaya nga Funny Car eh. May nabasa pa ako sa Battery Warning sa may box na sinasabing: Non-rechargeable batteries are not to be recharged. Bwahahaha! Malamang! At least may kaunting sense kaysa naman sa nakikita kong Korean stationery na may sinasabing-- Love is You and life, pretty like a star.  Bwahahahahaha!!  O di ba may masabi lang na cute, kahit ano na lang!

Heniways, at least ine-enjoy naman sila ng mga junaks. Umiikot din pala siya at may music na nakaka-irita kapag tumagal. China made. Keri na sakin yun. Mababaw lang ang kaligayahan nila sa mga ganyang bagay. Kahit nga plato at dahon gagawin nilang laruan. It's imagination at play. At yun ang importante i-cultivate sa bata.






Comments

  1. natawa ako sa pretty star! kalerkey pero bili pa din tayo ng bili ng mabango na stationary dati.

    -acy

    ReplyDelete
  2. ako natawa sa willy garte hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts