Mga bagay na di ko masyadong bet

Ito bawal ma-offend ha! May disclaimer agad. Ito ay akin lang naman. Hindi naman ibig sabihin na gusto mo ang mga bagay na wala sa radar ng solar system ko ay halimaw ka na at masama kang tao. Nagkataon lang na iba ang tastes natin. Ganun talaga eh. Diverse ang mundo natin which makes it so exciting hindi ba? Yung trip mo sa iyo yun at wala akong problema dun pero ito yung mga di ko masyadong trip Siguro sa ngayon hindi ko sila gusto pero who knows? Baka mauntog ako't magka-amnesia't magustuhan ko rin sila. Pero hindi ako mangingiming sabihin kung ano ang sa tingin ko sa kanila and i won't mince em. By the way, i'm not one of those fashion forwards. Bwahahaha.

Number 1: Leopard print booties/wedges.


Hindi ko talaga gusto ang mga leopard print lalo na sa style na ganito ng sapatos. Ewan ko. Siguro dati akong leopard skin in my past life. Sa mga nakita kong rumampa na ganito ang suot parang nakulangan sa legs ang dating. Nakakaliit siya ng biyas at nakaka-cut ng elongation ng legs ng isang babae. Para kang pinagkaitan ng legs. Also I find it tacky and crass. Reminds me of  80's na prosti sa malate with matching bubble gum. Parang sinusuot ng mga bratz dolls na mukhang hayok na madevirginize. Kaloka ang mga dolls na yun. Siguro sexy ito kung leopard print na stilletos o kaya open toed heels but not with booties and wedges. Fierce kung fierce sa iba but it doesn't say in my book.


Number 2 Sheer Maxi Skirts


O si Ms. Transformers pa ang nagsuot nito ha. Pero di ko pa rin bet. Mahilig ako sa palda. As in old style palda pa noong 50's-70's type. Pero hindi ko feel ito. Teh, nagpalda ka pa ng mahaba eh kita naman panty mo! Kahit ba sabihin mong signature hot pants pa yan, pekpek shorts pa rin yan. Ang tingin ng lahat ay nakalitaw ang So-en mo.  Nawawala ang mystery of the palda underneath kasi masyadong giveaway. Parang karinderyang bukas sa lahat ng pwedeng kumain. Dito ko i-aapply ang mga bagay na everything is not meant to be seen but imagined. Eh di sana nag two piece ka na lang. But then sabi nga nila, people dress for themselves daw so kever! But no! Huwag na tayo magmaang-maangan pa, kaya tayo nagdadamit kahit pa sabihin mong kakaiba ang pananamit mo is because you want to make a statement of yourself. Yes, kahit naka-tshirt at short ka lang. Kung in ang sheer maxi skirts ngayon, di ko feel ito ngayon.

Well, na realize ko ngayon na dalawa lang pala sila, for now.

Comments

Post a Comment

Popular Posts